Fri. Nov 22nd, 2024
Speaker Martin Romualdez

KINOMPIRMA ng lider na nagsusulong ng people’s initiative para amyendahan ang 1987 Constitution na may ”

basbas”  ni Speaker  Martin Romualdez at iba pang mga kongresista sa inilalarga nilang signature campaign sa iba’t ibang distrito sa buong bansa.

Ayon kay  People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) lead convenor Noel Oñate sa programang The Source sa CNN Philippines, hindi pondo ng gobyerno ang ginagamit nila sa naturang kampanya bagkus ay mula sa pribadong sektor na sumusuporta sa kanilang adhikain.

Tumanggi siyang tukuyin kung magkano ang pondo ng kanilang grupo.

Kaugnay nito, nagulat si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro sa pag-amin ni Oñate na nag-usap ang PIRMA at si Romualdez  hinggil sa PI.

“Na-shocked nga ako na nagkausap pala ang PiRMA at ang Speaker pero hindi naman ako privy kung ano ang pinag-usapan. Pero parang may impression sa akin na something. Titingnan na lang natin na sana’y mapayagan ni Speaker itong House Resolution namin,”

Naghain ng resolution ang Makabayan bloc noong Biyernes na humihiling na imbestigahan kung nagagamit ang pondo ng gobyerno para sa PI gayundin ang biglang paglobo ng pondo ng ilang ahensya ng pamahalaan na hinihinalang may kaugnayan sa isinusulong na Cha-cha.

Tiniyak ni Castro na may mga testigo silang nakahandang humarap sa Kongreso para patunayan na may pondo ng gobyerno na ginagamit para mangalap ng lagda para sa PI. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *