Gagamitin para sa depensa ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ang mga impormasyon na isiniwalat ni Atty. Levi Baligod at 18 umano’y dating sundalo hinggil sa pagtustos umano ni dating Ako Bicol Partylist Zaldy Co sa mga imbestigador ng ICC sa Pilipinas, ayon kay dating Sen. Antonio Trillanes IV.
“Based on the information we’re getting, gagamitin ni Kaufman itong presscon nila to try to probably as a mistrial, sabi nila na-compromise daw,” ani Trillanes sa panayam sa ANC.
“Kumbaga, gagawin nila lahat ang dirty tricks in the book. Kaya ngayon parang after thought na lang yung mga binigay na bilyun-bilyon in terms of magnitude dapat yun ang uunahin mo. Kaso hindi. The ICC is really the target,’ dagdag niya.
Nagmula aniya sa mga Duterte ang nagpondo at nag-organisa ng press conference ng grupo ni Baligod sa Club Filipino sa San Juan City noong Martes.
Ang isa sa mga kotse aniyang ginamit ng mga dating sundalo para sa pulong balitaan ay natunton na nakarehistro sa misis ni dating Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor.
“We’re getting information right now na galing sa Duterte yung nag-finance nagpa-organize nito. Itong mga front, siyempre si Baligod yung gustong umeksena dyan pero nakita naming yung iba’t ibang impormasyon like cars used by the Marines sa pagpunta sa presscon, eh naka-register sa asawa ni Mike Defensor yung isang vehicle,” giit ni Trillanes.
“Talagang ginawa ito ng kampo ni Duterte kasi they stand to benefit most from this.”
Maliban aniya sa pag-target sa ICC, kombinsido si Trillanes na bahagi rin ng destabilisasyon ang ginawang presscon ng grupo ni Baligod, nag-uudyok ng galit para mapabagsak ang administrasyong Marcos Jr. lalo na’t nagsisimula na ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.
Bukod aniya sa saasampahan niya ng kasong cyber libel ang grupo ni Baligod, malamang na asuntuhin din sila ng ICC dahil sa paglagay sa peligro sa mga imbestigador ng Hukuman pati ng mga testig.
“Nag-release sila ng picture ng mga ICC investigators, pati yung testigo. Alam nyo, violation ng Article 70 ng Rome Statute. Obstruction of justice yung puwede nilang ikaso ng ICC dito at ito malamang sa malamang kakasuhan itong mga ito, si Baligod and the people in the presscon.They put the lives of the ICC investigators in danger, pati yung mga testigo,” paliwanag ni Trillanes.
Naniniwala si Trillanes na “bibigay” ang 18 dating sundalo kapag isinailalim sa interogasyon at ikakanta kung sino ang nagbayad at nag-udyok sa kanila.
“Magko-collapse yan, kapag ininterrogate yang 18 na yan, magsasabi yan kung sino nagbayad sa kanila, sinong nag-udyok sa kanila. They will fall kasi mawawala na yung mantle of protection ni Baligod gaya ng presscopn nay un.Mawawala yung filter. I think sa mga investigations na mangyayari, bibigay yang mga yan,” aniya. (ROSE NOVENARIO)