Fri. Nov 22nd, 2024
Dating Sen. Antonio Trillanes IV

TARGET ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na linisin ang lokal na pamahalaan o wakasan ang korapsyon sa Caloocan City para pakinabangan ng mga residente ang malaking pondong nakukuha  ng siyudad mula sa national government sakaling lumahok siya sa mayoralty race sa 2025 elections.

“Kung sakaling tuluyan nga akong tumakbo sa pagka-mayor ng Caloocan City, ang pangunahing gagawin natin dyan, lilinisin natin ang pamahalaan. ‘Yung corruption, to be specific, kasi makikita nyo, ikompara nyo mga social welfare programs ng Caloocan City doon sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila, practically walang natatanggap ‘yung mga taga-Caloocan. Pero isa ang Caloocan sa pinakamalaking pondong nakukuha from the national government,” sabi ni Trillanes sa Kapihan sa QC kanina.

“Ang tanong rito, saan napupunta ito? Base sa aming impormasyon, itong mga Malapitan ay payaman nang payaman. Wala namang ibang negosyo ‘yan kundi itong paninilbihan bilang public officials. So ‘yan muna. Kapag natanggal ang corruption, lalaki ang available funds para sa social welfare programs ng mga taga-Caloocan, kasama lahat sa pag-unlad ng ating lungsod,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan aniya ay 90% na ang tsansang kakandidato siya ngunit sa Marso pa niya ihahayag ang kanyang pinal na desisyon sa kanyang political plans sa Caoocan City.

Ani Trillanes, tinanggihan na niya ang alok na muling sumabak bilang senatorial bet sa 2025.

“Wala namang pumipigil (sa pagtakbo). Of course ‘yung mga Malapitan, talagang gumagawa ng paraan para hindi ako patakbuhin. Pero kapag ganyan kasi, lalo akong ginaganahan, baligtad ang effect sa akin. Ang feedback sa aming mga kasamahan on the ground, yung mga Malapitan daw ay talagang binabantaan ang mga local leaders para huwag daw kaming papasukin pero hindi naman nila kaya gawin ‘yun . Yung mga presidente ng Pilipinas ay nilabanan natin, abangan nyo mamaya, pupunta ako ulit sa Caloocan,” sabi ng dating senador.

“Hindi po tayo maaaring makipagsanib puwersa sa kanila (Malapitan), 14 years na ang ibinigay sa kanila para pamunuan ang Caloocan pero pinabayaan nila lalo. Ayaw na nating magtuluy-tuloy ‘yun.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *