HINDI kinikilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong:” Marcos Jr. ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas dahil itinuturing niya itong banta sa soberenya ng bansa.
“Let me say this for the 100th time, I do not recognize the jurisdiction of ICC in the Philippines. I do not, I find, I consider it as a threat to our sovereignty,” sabi ni Marcos kanina sa Quezon City.
“Therefore, the Philippine government will not lift a finger to help any investigation that the ICC conducts,” dagdag niya.
Gayonman, niinaw ni Marcos Jr, na puwedeng pumasok sa Pilipinas ang mga imbestigador ng ICC bilang mga ordinaryong mamamayan ngunit mamanmanan aniyang mabuti ng mga awtoridad ang kanilang mga kilos habang nasa bansa.
“Pero hindi kami tutulong sa kanila. In fact, binabantayan namin sila, making sure that hindi sila, they do not come into contact with any agency of government, and if they are contacting agencies of government, na sasabihin ng whatever, pulis man, local government, ‘wag niyong sasagutin. Iyon ang sagot natin,”aniya.
“We do not recognize your jurisdiction, therefore we will not assist in any way, shape, or form, in any investigation that the ICC is doing in the Philippines,”giit niya.
Ang pahayag ni Marcos Jr. ay bilang tugon sa panawagan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kahapon sa Malacañang na dapat sabihin kung pinayagang makapasok sa bansa ang mga imbestigador ng ICC.
Ilang beses na kasing sinabi ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na may impormasyon siyang tapos na ang pagsisiyasat ng ICC sa mga pangunahing akusado sa reklamong crimes against humanity kaugnay sa madugong Duterte drug war.
Nagpunta aniya ang mga imbestigador ng ICC sa bansa noong Disyembre 2023 at inaasahang lalabas ang international warrant laban sa mga pangunahing akusado sa ikalawang quarter ng taon.
Matatandaang noong nakaraang taon ay ibinasura ng ICC Appeals Chamber ang apela ng Philippine government na itigil ang imbestigasyon, sa katuwirang nabigo ang bansa na patunayan na may umuusad na lehitimong pagsisiyasat sa drug war killings at may nagaganap na paglilitis sa mga nasa likod nito ang mga awtoridad. (ZIA LUNA)