Thu. Nov 21st, 2024

PINATAWAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ng isang indefinite suspension ang operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI) radio at television stations.

Sa direktiba na may petsang Enero 18, inutusan ng NTC ang Swara Sug Media Corporation, ang business name ng SMNI, na itigil ang operasyon nito habang may ginaganap na hearing at final consideration ng kasong administratibo na inihain sa komisyon.

Nag-isyu ng 30-day suspension ang NTC noong 21 Disyembre 2023 laban sa SMNI ngunit nabisto ng komisyon na hindi ganap na sinunod ito ng SMNI at nag-operate pa rin ito sa ilang lugar sa hanggang 27 Disyembre 2023.

“The NTC has directed Respondent Swara Sug to explain in writing within fifteen (15) days from receipt of the Order dated 18 January 2024, why it failed to strictly comply with the thirty (30)-day suspension order, and directed it to cease and desist from operating its radio and television stations pending hearing and final consideration of the above-captioned administrative case,” anang kalatas ng NTC noong Lunes.

Nag-ugat ang kasong administrastibo ng SMNI sa House Resolution No. 1499, na nagsabing nilabag ng network ang terms and conditions ng prangkisa nito sa ilalim ng Republic Act No. 11422. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *