Sun. Sep 20th, 2026

Inabisuhan ang mga empleyado ng Senado na magbaon ng pamalit na damit bilang paghahanda kung may malaking rally at hindi sila makalabas pauwi sa pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Lunes, Hulyo 6.

Bahagi ito nang inilabas na “Pakiusap at Paalala” ng Office of Sergeant-at-Arms (OSAA) sa mga kawani.

Ipinaalala sa kanila na huwag kalilimutan dalhin ang ID dahil sa pag-uumpisa ng impeachment trial  ay sa Diokno Blvd. pa lamang ay hahanapin na ito sa kanila ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) at Metro Manila Development Authority (MMDA).

May itinakda ring drop-off at pick-up point para sa TNVS at ang pahihintulutan lamang na papasukin sa gate ay mga seniors, PWDs at mga buntis.

Sakaling may reklamo o suhestiyon ang Senate employees ay hinimok silang makipag-ugnayan kay Senate Sergeant-at-Arms Alfred S. Corpus at kung may kinalaman sa impeachment trial ay kay Senate Secretary Atty. Renato Bantug.

Inaasahang maglalagay ng checkpoint ang PNP at MMDA sa mga daan patungo sa Senado.# (RRN)

By admin