Thu. Nov 5th, 2026

Kinompirma ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na ipagpapaliban ang nakatakdang nationwide active shooter drill bukas, Agosto 25, 2026.

“Ipagpapaliban na po namin dahil makakapaghintay naman po yan kasi nakikinig kami sa eksperto at nirerespeto namin ang kanilang pananaw at definitely na‑iincorporate namin ang kanilang mga comments po,” pahayag ni Angara sa panayam ng dzMM.

Nanawagan ang Philippine Psychiatric Association (PPA) at Philippine Society for Child and Adolescent Psychiatry (PSCAP) na ipagpaliban ang simulation activities sa ilalim ng Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents.

Giit nila, bagama’t mahalaga ang kahandaan, ipinapakita ng ebidensya na ang hyper‑realistic simulations ay hindi nakapagpapabuti sa resulta ng kaligtasan at maaari pang magdulot ng psychological harm sa mga mag-aaral.

Inirekomenda ng mga grupo ang paggamit ng tabletop exercises at trauma‑informed protocols bilang mas ligtas na paraan upang mapalakas ang koordinasyon “nang walang takot.” # (RRN)

By admin