Thu. Nov 5th, 2026

Napakalaki ng epekto sa kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte  sa International Criminal Court (ICC) ang pahayag ngayon ni Vice President Sara Duterte na wala siyang tiwala sa korte sa bansa, ayon kay Atty. Carlo Ybanez.

Isa kasi aniya sa pinakamalaking argumento ng kampo ni Duterte laban sa ICC ay hindi kailangan siyang litisan sa international tribunal dahil gumagana naman ang justice system sa Pilipinas.

‘Eh ngayong mismong vice president at anak mismo ni former president Duterte ang nagsasabing wala siyang tiwala sa korte , napakalaki ng effect niyan sa ICC case. Kung si VP Sara mismo  ang nagsabing hindi mapagkakatiwalaan ang sarili nating korte, paano niya ngayon ipagpipilitan na ang Philippine courts lang ang pagkatiwalaan at wag makialam dapat ang ICC?” paliwanag ni Ybanez sa ipinaskil na video sa Facebook.

“Remember minomonitor ng ICC ang statements ni VP Sara. Ilang beses nang ginamit ng court ang statements ni VP Sara sa mga decisions nila,” dagdag niya.

Tanong ni Ybanez: “VP Sara, hind imo ba nakikitang pinapalakas mo ang argument ng ICC?”

Baka aniya dahil sa pahayag ni VP Sara ay lalong hindi na makabalik sa bansa ang dating pangulo. # (RRN)

By admin