Thu. Nov 21st, 2024
Ex-Pres. Rodrigo Duterte

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na hindi niya haharapin ang kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa madugong drug war na kanyang ipinatupad.

Nanawagan si Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag siyang tulungan sa ICC dahil magtatago naman siya sa planong “Mindanao Republic” na itatayo ng kanyang mga kaalyado, sabi niya sa press conference sa Davao City kagabi.

Inakusahan muli niya si Marcos Jr. na isang drug addict at pumasok umano sa rehabilitation center sa Germany bago sumabak sa presidential elections noong 2022.

Hindi rin umano niya tinanggap si Marcos Jr. nang irekomenda na maging agriculture secretary ng kanyang administrasyon dahil isa raw itong drug addict.

Mula ihayag ni Marcos Jr. na hindi makikipagtulungan ang kanyang administrasyon sa ICC pero papayagan makapasok sa bansa ang mga kinatawan nito, naging sunud-sunod ang pagbatikos ni Duterte sa kanya.

Isiniwalat kamakailan ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na tapos na ang pag-iimbestiga ng ICC sa mga pangunahing akusado kabilang rito sina Duterte, kanyang anak na si Vice President Sara Duterte, at Sens. Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher “Bong” Go at ilang buwan na lamang ay inaasahang lalabas na ang international warrant of arrest  laban sa kanila. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *