Mon. Jul 8th, 2024
Bayan Muna Partylist Chairman Neri Colmenares

NANAWAGAN si Bayan Muna Partylist Chairman Atty. Neri Colmenares kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na tigilan na ang kayabangan at makipagtulungan na lamang sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kasong crimes against humanity na kanyang kinakaharap dahil sa mga naganap na patayan sa ipinatupad niyang madugong drug war.

Ang pahayag ni Colmenares ay reaksyon sa banta ni Duterte na manlalaban kapag inaresto siya ng ICC sa kanyang balwarte sa Davao City.

“Walang pakialam sa akin ang ICC. ‘Pag pinuntahan nila ako, arestuhin nila ako dito, magkabarilan talaga ‘yan. At uubusin ko ang mga p*t**ng I**ng ‘yan!” ani Duterte sa isang press conference.

Napaulat na may 364 high-powered firearms na nakapangalan kay Duterte. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *