Sun. Oct 6th, 2024
Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III

MARIING kinondena ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pananambang kay Dr. Charmaine Ceballos Barroquillo at nanawagan para sa kagyat na aksyon ng mga awtoridad upang madakip ang mga kriminal at tiyakin ang kaligtasan ng medical professionals.

Si Barroquillo, 27-anyos, ay isang government doctor sa Sultan Kudarat Provincial Hospital, ay nasa malubhang kalagayan bunsod ng ambush na naganap sa Maguindanao Del Sur.

Ayon kay Pimentel, ang insidente ay sumasalamin sa mga panganib na kinakaharap ng healthcare workers sa ilang lugar sa bansa na may umiiral na banta sa seguridad at may nagaganap na armadong tunnggalian.

Giit ng senador, ang pagkabigo na lutasin agad ang insidente ay maghahatid ng pangamba sa mga doctor, lalo na ang mga nagsisilbi sa mga liblib at conflict-stricken communities. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *