Sat. Nov 23rd, 2024
Mula sa News5 Facebook page

KINUYOG ng pagbatikos ng netizens ang video ni Mariel Padilla na nagbibigay katuwiran sa kanyang isinagawang “Vitamin C drip session” sa opisina sa Senado ng kanyang esposong si Sen. Robin Padilla.

“Ang tingin niya (Mariel Padilla) ang opisina ng asawa niya ay private na opisina ng asawa niya. Nakalimiutan o ganun lang talaga sila mag-isip na ang opisina na iyon ay private. Hindi private na opisina iyon ng asawa mo, opisina ‘yun ng gobyerno. Ang may-ari ay gobyerno, taumbayan,” ayon kay Atty. Enzo Recto sa kanyang Enzo Recto vlog sa You Tube.

“Ang basic kasi rito ay wala silang hiya,” dagdag ni Recto.

Ilan sa mga reaksyon ng followers ng naturang vlog ay mga puna sa paliwanag ni Mariel:

“​​Akala niya may privacy sila sa office of the senate..Haha!..Ignorance of the Senator is ignorance of the the wife din pala,’ sabi ni Mommy Weng.

“​​Kailan pa naging Clinic ang Opisina Ng Gobyerno? Opisina ni Robin? Naku Naman!’ komento ni Dan Paolo Recede.

“P​arang hindi nag aral itong mag asawang ito sayang boto ng pinoy sayo,” ani Alvaro Onia.

“​​Ang Vitamin C kahit anong oras pwede i take. Gaga!” sabi ni Lorna Quial.

Para kay Sen. Nancy Binay, hindi lang pambabastos sa Senado bilang institusyon kundi paglalako ng illegal at mapanganib na aktibidad ang ginawang “gluta drip session” ni Mariel  sa loob ng tanggapan ng kanyang mister sa Senado.

Bilang asawa aniya ng senador at isang artista, dapat ay alam ni Mariel ang mga kaakibat na responsibilidad sa publiko. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *