Sun. Nov 24th, 2024
Sen. Raffy Tulfo

KINUWESTYON ni Senador Raffy Tulfo ang panibagong iregularidad sa lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil may isang mananaya ang nagwagi ng 20 beses sa loob lamang ng isang buwan.

Ayon kay Tulfo, na siyang nangunguna sa imbestigasyon ng PCSO lotto draws sa Senate Committee on Ways and Means, tumataas ang trust issues ng publiko sa ahensya dahil sa nangyayaring glitches.

Ito ay kasunod na rin ng “minor glitch” sa three-digit game draw na naganap noong Pebrero 27.

Ibinunyag ni Tulfo, batay sa isinumite sa kanila ng PCSO, matapos ang pag-isyu ng subpoena,  may mga kaduda-dudang bagay hinggil sa lotto games at lotto winners.

Hindi naman binanggit ng senador ang mga “kwestyonableng bagay” ngunit ipinahihiwatig ni Tulfo ang pagkakasangkot ng isang mananaya na nanalo nang maraming beses sa loob ng isang buwan.

Dahil sa aberya, inihayag ni PCSO General Manager Mel Robles sa publiko na hindi ito ang unang pagkakataon na ito ay nangyari at handa aniya sila sa ganitong uri nang hindi inaasahang pangyayari.  (NINO ACLAN)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *