Sun. Oct 6th, 2024
Ricardo Zulueta

NANAWAGAN ang naulilang pamilya ni Percival “Percy Lapid” Mabasa sa Philippine National Police na magsagawa ng independent autopsy sa pagkamatay ng isa sa mastermind sa pagpaslang sa beteranong broadcaster.

Sinabi ni Roy Mabasa, kapatid ni Percy, na nais ng kanilang pamilya na alamin ng PNP ang tunay na dahilan ng pagpanaw ni Ricardo Zulueta, dating Senior Jail Officer 3 sa Bureau of Corrections (BuCor) na napaulat na namatay dahil sa heart failure kagabi.
Giit ni Mabasa, ang isang independent autopsy report ay magpapatunay sa publiko na nais talagang malaman ng mga awtoridad ang katotohanan.

“As much as possible, we would like the PNP to ascertain the real cause of his death since he was originally tagged as one of the masterminds in the killing of Percy Lapid. Getting an independent autopsy report would assuage the public that we are indeed after the truth,” sabi ni Mabasa sa isang kalatas.

Sa report ng DZRH, iniulat ng Bataan police na pumanaw si Zulueta dahil sa heart failure kagabi nang isugod siya sa ospital ng kanyang kapatid sa Dinalupihan, Bataaan.
Si Zulueta ang itinurong kumausap sa persons deprived of liberty (PDL) para umupa ng mga hitmen na papatay kay Percy, batay umano sa utos ni dating BuCor Chief Gerald Bantag.

Matatandaan isiniwalat ni Percy sa kanyang radio program na Lapid Fire ang kuwestiyonableng mga ari-arian ni Bantag at iba pang illegal na aktibidad sa New Bilibid Prison (NBP). (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *