Sat. Nov 23rd, 2024

KOMBINSIDO ang ilang kongresista na inabuso ng Sonshine Media Network International (SMNI) ang press freedom kaya bumoto sila pabor sa pagbawi ng prangkisa ng media network.

Inaprobahan ng 289 mambabatas ang House Bill No. 9710 na iniakda ni 1-Rider party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez na nagtakda bawiin ang prangkisa na ipinagkaloob ng Kongreso sa SMNI.

Inihayag nina Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr., Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers party-list Rep. France Castro, at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel na may mataas silang pagkilala sa press freedom at pinaboran nila ang HB 9710 dahil ang SMNI ay nagpapakalat ng maling impormasyon at nag-uugnay sa ilang personalidad sa kilusang komunista ng walang ebidensya.

Giit ni Castro, hindi media company ang SMNI bagkus ito’y ginamit ng administrasyong Duterte para sa red-tagging at maghasik ng fake news.

Matatandaan nagsimula ang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan sa SMNI bunsod ng maling impormasyon na sinabi ni Laban Kasama ng Bayan host Jeffrey Celiz na gumasta ng P1.8 bilyon si Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa kanyang mga biyahe noong 2023.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, umabot lamang sa P39.6 milyon ang kabuuang ginugol ng lahat ng kongresista at kanilang staff mula Enero hanggang Oktubre 2023. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *