Sat. Nov 23rd, 2024

TILA muling sinumpong ng kanyang pagiging “gunggong” ang isang opisyal ng administrasyong Marcos Jr. kamakailan.

Mistulang  turista raw na inilibot si Mr. G ng isang opisyal ng Palasyo sa isa sa mga gusali sa Malacanang na ipinaayos ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

“Napadaan” raw sa working area ng mga mamamahayag  sina Mr. G at kanyang tour guide na Palace exec.

Laking gulat daw ng ilang nakaharap nila ng walang kaabug-abog  na biglang sinabi ni Mr. G na,” Paaalisin ko kayo rito.”

“Huwag naman ganyan, Sir. Kababalik lang nila rito,” sagot ng tour guide sa akala ay biro ni Mr. G.

Ngunit hindi binawi ni Mr. G ang kanyang pahayag at deadma lang siya sa tugon sa kanya ng tour guide.

“Baka naman nanariwa sa kanya ang todong bira sa kanya ng media sa ilang beses na insidenteng ipinakita niya ang tunay na kahulugan ng salitang “meltdown,” wika ng Pabidang Chismosa sa JP Laurel.

Posible rin kaya na nakaramdam ng inggit si Mr. G sa ganda ng mga opisina sa gusali samantalang siya ay wala sa Malacanang Complex ang tanggapan?

CLUE:

Naging kontrobersyal ang pagtalaga ng Bossing ng Bayan Mo kay  Mr. G dahil naging pamoso siya bilang indibidwal na kailangang magmumog ng Holy Water para maibuga ang masasamang salitang madalas mamutawi sa kanyang bibig.

May hindi raw magandang karanasan si Mr. G sa salitang “bar’ kaya binura na niya ito sa kanyang bokabularyo.

Marami ang hanggang ngayon ay nagtataka kung ano ang kinain ng Bossing ng Bayan Mo at iniluklok siya na hindi naman ekonomista, at hindi rin social worker para payuhan siya paano iahon mula sa lusak ang masang Pinoy.

“Kaya naman naghahanap daw ng paraan si Mr. G paano mapapapagpag ang imahe niyang “cabron” para paniwalaan siya,” sabat ng isang miron.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *