Mon. Jul 8th, 2024
Kathryn Bernado

NAKAPINID  na ang pinto para sa taong nanakit sa kanya kahit pa pinatawad na niya ito, ayon kay Kathryn Bernado.

Sa panayam sa April issue ng MEGA Magazine, inilahad ng aktres ang kanyang pinagdaanan sa pag-move on mula sa pagtatapos ng 11 taon nilang relasyon ni Daniel Padilla.

Inamin ni Kathryn na naghilom na ang sugat na nilkha nang paghihiwalay nila ni Daniel at maayos na ang kanyang pakiramdam.

“Now, where I am is exactly where I’m supposed to be. February for me is the new January. Parang ’yon ’yong tapos na. I know that I’m okay. I can say I’m healed,” sabi niya..

“You have to experience all the process, all the pain, lahat . But I always make sure that when it comes to my work, nothing is affected,” aniya pa.

Ang pagiging abala niya sa trabaho ang nakatulong upang maigpawan ng aktres ang kirot ng heartbreak.

Sa panahon ng kanilang paghihiwalay, batid ni Kathryn ang mga kumakalat na tsismis at ispekulasyon  hinggil sa kanilang relasyon ni Daniel ngunit tiniyak niya sa kanilang fans na nagsimula at nagwalan ang kanilang love story na may respeto. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *