Sat. Oct 5th, 2024
Kathryn Bernardo at Alden Richards (Instagram/ niceprintphoto)

TALAGANG moving forward na ang peg ni Kathryn Bernardo, hindi lang sa career kundi maging sa lovelife.

Pinagpipiyestahan ng fans ng aktres ang extra closeness nila ni Alden Richards na kitang-kita sa viral photos ng house warming ng Casa Bernardo at dalawang beses na selebrasyon ng kaarawan ni Kathryn.

Kathryn Bernardo at Jericho Rosales

Sabi nga ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update vlog, ayon sa kanyang source ay nanliligaw na si Alden kay Kathryn at mukhang boto sa kanya ang pamilya Bernardo.

“According to my source, sa kampo ni Kathryn, nanliligaw na nga ito si Alden kay Kathryn,” ani Ogie.

At naaaliw and family ni Kathryn kay Alden,” dagdag niya.

Hindi lang aniya si Alden ang suitor ngayon ng aktres, maging si Jericho Rosales pala ay nanliligaw rin kay Kathryn.

Ayon kay Ogie, responsable at financially stable si Alden kaya mas bet siya ng pamilya Bernardo.

“Kung botohan at botohan daw sa pamilya ni Kathryn ay mas boto sila kay Alden,” dagdag ni Ogie.

Napaulat na magkakaroon ng part two ang blockbuster movie ng KathDen na “Hello, Love,Goodbye” na isasabak sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *