Fri. Jul 5th, 2024
Catriona Gray at Sam Milby

HIWALAY na ang engaged couple na sina  Miss Universe 2018 Catriona Gray at singer-actor Sam Milby.

Isiniwalat ito ng beteranong showbiz manager- vlogger Oggie Diaz sa kanyang Showbiz Update You Tube channel.

Ayon daw sa source ni Diaz, umatras si Sam sa nakatakda sana nilang kasal ngayong taon.

“Sabi sa akin, parang ang rason daw ay na-realize ni Sam na hindi pa pala siya handa na magpakasal,” ani Diaz.

Bagama’t dumalo pa si Sam sa birthday party ni Catrional, bago pa ang kaarawan ng beauty queen noong Enero 6 ay hiwalay na sila ng actor, sabi ng source ni Diaz.

“Andun naman si Sam pero sila’y magkaibigan na lamang raw,”  aniya.

Isinapubliko nina Sam at Catriona ang kanilang engagement noong Pebrero 2023 at ang plano sana nilang magpakasal ngayon taon. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *