UPANG kontrahin ang banta mula sa propaganda, misinformation at fake news sa West Philippine Sea issue – lalo na sa panahong malakas ang social media – hinimok ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang Presidential Communications Office na palakasin ang public awareness sa usapin.
Sa Senate Resolution 864, nais ni Padilla na tiyakin ng PCO na maintindihan ng publiko ang mga dokumento at kasunduan sa likod ng mga hakbang ng pamahalaan sa WPS.
“As the nation’s security landscape continues to evolve, it is incumbent upon the PCO to provide clear, up-to-date and accurate information on matters of public concern relating to the security challenges confronting our country,” ani Padilla, ang tagapangulo ng Senate Committee on Public Information and Mass Media.
“Coinciding with the seriousness of this issue is the risk of spreading propaganda, misinformation, and fake news with the advent of social media, which can greatly impact our pursuit of good governance and ultimately undermine democracy,” dagdag niya.
Ani Padilla, ang territorial claim ng Pilipinas sa WPS ay “primary national interest” mula noong ihinain ng Pilipinas ang arbitration case laban sa China sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong Enero 2013 at nanalo ang bansa sa kaso noong 2016.
Dagdag niya, ipinunto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Addresses (SONA) noong 2022 at 2023 na patuloy na paninindigan ng Pilipinas ang sovereign rights at territorial integrity nito, base sa “rules-based international order.”
Ipinunto ng senador ang pahayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na dahil sa mga pangyayari sa Ayungin Shoal noong Agosto, ang tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa WPS ay “far more serious than how people perceive it is.”
Sa resolusyon ni Padilla, ipapaliwanag ng PCO ang dokumento at kasunduan na naging basehan ng mga polisiya at kilos ng Pilipinas tungkol sa isyu sa WPS, kasama ang UNCLOS, 2016 Arbitral Ruling, US-Philippines Mutual Defense Treaty at Reciprocal Access Agreement.
“It is understood that matters that may have repercussions or may compromise the nation’s defense and security are naturally excluded from any public information and awareness campaign,” ani Padilla. (NIÑO ACLAN)