Fri. Nov 22nd, 2024

MISTULANG nagdeklara ng batas militar ang Solon sa loob ng kanyang bahay sa isang pamosong subdivision sa Quezon City matapos mabukelya ang kanyang ”precious vault.’

Pili na lang raw ang mga taong puwedeng makapasok sa bahay ng manunugal este mambabatas pala dahil ang pinakamalupit na lihim ng kanyang pamilya ay sumingaw mula sa apat na sulok ng kanilang haybol.

Nabuhay raw ang ngitngit ng Solon sa kanyang manugang na tumodas sa halos P200 milyon laman ng kanyang “precious vault” at ipinatalo lamang sa casino.

“Muntik pala kunin ni lord ang Solon nang limasin ni manugang ang laman ng kanyang kaha de yero,” entrada sa umpukan ng Chismosa sa Monumento.

“Kung hindi pa raw nadiskubre ni Solon ang kawalanghiyaan ng manugang, sa tulong ng bunsong anak, aba’y baka pati ang mga naipong alahas at mga titulo ng kanilang mga lupain na nakatago sa kaha de yero ay nadispalko rin,” sabi naman ng isang Chismosang Sabatera.

Busy ngayon ang pamilya ni Solon sa panliligaw sa mga opisyal ng kanilang siyudad at pati mga naging kaaway sa politika, naka-abito at mga kalahi ni Ms. Tapia ay ginagastusan ng husto para sumaya sa loob ng ilang araw na bakasyon grande sa loob at labas ng bansa.

CLUE:

“Hindi kaya sila nabibilaukan sa pinagsasaluhang masasarap na pagkain na ang ipinambili ay pera ng bayan?” tanong ng Chismosang Mahadera

Nakasanayan na raw ng pamilya ni Solon ang pagiging makapal ang mukha at matibay na sikmura kaya walang mintis sa pagsusubi ng pera ni Juan.

Kaya raw hindi na lumaki ng husto ang mga kapamilya niya, hindi kasi napainom ng Tiki-tiki ang mga anak dahil laging puyat ang mag-asawa sa kapipindot sa slot machine.

“Sa ‘Okada’ ba sila madalas manalo?” usisa ng guwardiya na gustong humingi ng balato.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *