📷 bworldonline.com
Halos 16,200 Chinese nationals ang pumasok sa Pilipinas bilang mga turista ang nabigyan ng student visa ng Bureau of Immigration (BI) noong nakaraang taon.
Pinayagan na ang paglipat ng mga tourist visa sa student visa mula noong administrasyon ng dating Pangulong Joseph taong 2000.
Magkakaroon ng pagpupulong ang Inter-Agency Committee on Foreign Students (IACFS) sa Mayo 13 para matugunan ang “pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng Tsino” sa bansa, ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco.
Sinabi ni Tansingco na hiniling niya sa Commission on Higher Education (CHEd), na namumuno sa IACFS, na magpatawag ng pulong at magsagawa ng “madaliang aksyon sa pagitan ng mga ahensya” sa malaking parte ng mga Chinese national na mayroong student visa sa Tuguegarao City.
Batay sa talaan, ipinagkaloob ng Bureau of Immigration (BI) ang student visa sa 1,516 na mag-aaral na Chinese nationals sa Cagayan, “all endorsed by a major Philippine university,” na hindi tinukoy ng mga pangalan.
Ayon sa beripikasyon ng BI, 485 lamang na Chinese national ang may student visa na naka-enroll noong Abril. (ZIA LUNA)