Fri. Nov 22nd, 2024

📷mirror.pia.gov.ph

INIANUNSYO ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsibak kay Vice Admiral Alberto Carlos bilang commander ng Western Command.

Pinalitan si Carlos ni Rear Admiral Alfonso Torres Jr.

Si Carlos ang tinukoy ng Chinese embassy bilang umano’y nagbigay ng basbas sa tinaguriang “new model” sa pamamahala sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal.

Inihayag kamakailan ng Chinese embassy na isa sa kanilang diplomat ang nakapag-record ng umano’y pakikipag-usap kay Carlos, na may go signal daw nina Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. at National Security Adviser Eduardo Año.

Itinanggi ng AFP, pati nina Teodoro at Ano ang alegasyon ng Chinese embassy at nanawagan na pabalikin sa China ang mga diplomat na sangkot sa usapin.

Bagama’t pinaiimbestigahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isyu, sinabi niya na sa kasalukuyan ay mahirap paniwalaan ito hangga’t walang inilalabas na kopya nito ang Chinese government at ang Chinese embassy sa Pilipinas.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *