Fri. Nov 22nd, 2024

 

 

BINATIKOS ng Karapatan ang kaipokritohan at pagtanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat lansagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil hindi umano ito nagsasagawa ng red-tagging kaya hindi ito mananagot sa paglabag sa karapatang pantao na dinaranas ng mga biktima ng red-tagging.

Ginawa ni Marcos Jr. ang pahayag bilang reaksyon sa mga panawagan para sa pagbuwag ng ahensya matapos kinilala ng kamakailang desisyon ng Korte Suprema na mapanganib ang red-tagging sa buhay, kalayaan at seguridad ng isang tao.

“No matter how much he tries, however, Marcos Jr. cannot wash his hands of responsibility for the escalating violations of human rights and international humanitarian law consequent to the NTF-ELCAC’s red-tagging mania,” anang Karapatan sa isang kalatas.

“As commander-in-chief, Marcos Jr. chairs the NTF-ELCAC and approves the counter-insurgency doctrines that drive the agency’s frenzied red- and terror-tagging,” dagdag ng grupo.

Ang pagtanggi ni Marcos Jr. ay matapos irekomenda ng hindi bababa sa dalawang United Nations Special Rapporteurs (UNSR) na nagsagawa ng mga opisyal na pagbisita sa Pilipinas na buwagin ang NTF-ELCAC.

Sa isang press briefing noong Pebrero 2024, hinimok ni Irene Khan, UNSR on Freedom of Expression and Opinion na dumating sa bansa sa isang sampung araw na pagbisita, ang gobyernong Marcos Jr. na maglabas ng executive order na nagbabawal sa red-tagging at alisin ang ang NTF-ELCAC, na sinasabing tutugunan nito ang ilan sa mga pinakakritikal na driver ng red-tagging.

Nauna rito, sa kanyang pagbisita noong Nobyembre 2023, nanawagan din ang UNSR on the Promotion and Protection of Human Rights in the Context of Climate Change na si Ian Fry na buwagin ang NTF-ELCAC, na nagsasabing ito ay red-tagging sa mga tao at kumikilos nang walang parusa.

Kabilang sa mga taong kinapanayam ni Fry ay ang mga batang environmental activist na sina Jonila Castro at Jhed Tamano na nag-off-script sa isang press conference na inorganisa ng NTF-ELCAC at ibinunyag na sila ay talagang dinukot ng militar. Binalak ng NTF-ELCAC na iharap sila bilang mga surrenderee.

Giit ng Karapatan, maaaring itanggi ni Marcos Jr. ang katotohanan sa lahat ng kanyang makakaya ngunit nakikita ng sambayanang Pilipino at ng mundo ang kanyang mga kasinungalingan at kanyang pagkukunwari.

“Marcos Jr. can deny the truth all he can. But the Filipino people and the world see through his lies and his hypocrisy.”  (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *