Fri. Nov 22nd, 2024

📷 PISTON/FB

Ang nationwide crackdown na ginagawa ngayon ng rehimeng Marcos laban sa mga unconsolidated jeepney ay isang malinaw na pagmasaket sa kabuhayan ng mga tsuper at operator at isang tahasang atake sa karapatan ng mamamayan sa abot-kayang pampublikong transportasyon.

Kahit dalawang linggo na matapos ang April 30 deadline, hindi pa rin naglalabas ng konkretong plano ang gobyerno para sa suporta at pagpapanatili ng kabuhayan ng mga drayber at operator na tumatangging pumaloob sa consolidation.

Ipinapakita nito ang lubos na kapalpakan ng negosyo at makadayuhang public transport modernization program—programang nag-iwan ng maraming manggagawa sa transportasyon at mga pasahero sa matinding kahirapan.

Hindi makatarungan ang hakbang na crackdown ng rehimeng Marcos. Sa panghuhuli sa mga drayber at operator at pag-iimpound ng mga jeepney, lalo lamang pinapalala ang paghihirap ng mga mamamayang komyuter—mga manggagawa at estudyante—na kumakaharap sa tumitinding kawalan ng trabaho sa gitna ng krisis sa bansa ngayon.

Hindi dapat isakripisyo ang mahahalagang serbisyong pampublikong transportasyon habang ang gobyerno ay nananatiling delulu at mapagpanggap na “umuunlad” daw diumano ang ating ekonomiya. (PISTON FB Page)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *