Thu. Nov 21st, 2024
MASALIMUOT ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa mga resolusyong inihain sa Kongreso kaugnay sa pag-uudyok sa administrasyon na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa Duterte drug war.
“There is also a question, should we return under the fold of the ICC, so that’s again under study. So we’ll just keep looking at it and see what our options are,” ayon kay Marcos Jr. sa panayam ng Malacanang Press Corps matapos ang inagurasyon ng Healthway Cancer Care Hospital (HCCH) sa Arca South Estate sa Taguig City kanina.
“Para sa akin simple lang naman yang issue na yan, hindi naman siguro tama na ang tiga labas, ang mga dayuhan ang magsasabi sa atin. May pulis naman tayo, may DOJ tayo, kaya nila ang trabahong yan, and that’s really where the conflict is.”  (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *