Sat. Nov 23rd, 2024

📷Michael Yang | PDI file photo

PINAHAHANAP ng House Committee on Dangerous Drugs sa mga awtoridad si Michael Yang  dahil sa hindi pagsipot ng ilang beses sa pagdinig sa nakompiskang P3.6-bilyong illegal drugs sa isang bodega sa Pampanga noong nakaraang taon.

Si Yang, economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay nadawit sa Empire 999 Realty Corp, na nagmamay-ari sa warehouse sa Mexico, Pampanga kung saan natagpuan ang shabu.

Naghain ng motion si Antipolo City Second District Rep. Romeo Acop para i-contempt si Yang na sinang-ayunan naman ng iba pang miyembro ng komite.

Sa ginanap na hearing ni House Committee on Public Order and Safety Chairperson at Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, hiniling niya kay Committee on Dangerous Drugs chair Robert Ace Barbers’ ang ayuda ng mga awtoridad para hanapin si Yang.

“His last trip was May 12, 2024… Manila to Dubai. These travel dates were never updated. May we ask the Immigration, the DOJ, the Interpol if possible, and the PNP to be aware of the decision of this committee with regard to the contempt that we issued,” sabi ni Fernandez.

“We will ask the committee secretary to closely coordinate with the agencies involved in the implementation of the contempt and the penalties thereof pursuant to the rules of the House of Representatives,” tugon ni Barbers.

Hinirit ni Abang Lingkod partylist Rep. Joseph Stephen Paduano na makulong si Yang sa Bicutan City Jail ng 30 araw kapag nadakip na.

Iimbitahan ng komite sa susunod na pagdinig sina dating Sen. Richard Gordon, dating PNP chief Oscar Albayalde, at dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chiefs Aaron Aquino at Wilkins Villanueva.

“Yang has not appeared before this committee despite several invitations,” ani Barbers. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *