Sat. Nov 23rd, 2024

📷Sen. Sherwin Gatchalian

BINIGYAN-diin ni Senador Sherwin Gatchalian na higit na naging talamak ang money laundering sa Pilipinas sanhi ng paglaganap ng ilegal na Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa.

Sa kanyang online presscon, inihalimbawa ni Gatchalian ang bilyun-bilyong pondo na umano’y ginastos sa pagpapatayo ng mga POGOs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

“In fact, ako kampante akong sabihin ito na ang Pilipinas ay naging money laundering haven na rin ng buong mundo dahil ang laki ng perang pumapasok eh. Billions ang pumapasok sa ating bansa. In the case of Bamban and Porac nakita natin ‘yung construction nila pumasok dito billions of pesos, pero hindi makita saan nanggaling o sino ang binayaran,” anang Senador.

Ito ang naging pahayag ng mambabatas na kung isasa-publiko ang mga detalye kaugnay sa suspendidong Mamban Mayor Alice Guo, partikular na ang 36 bank accounts at kayamanan nito, ay posibleng makabugaw sa mga negosyante palayo ng bansa.

“Kaya hindi tayo maalis-alis sa gray list because of money laundering and POGO. Kung matatandaan mo, parati tayong nasa gray list. Hindi tayo maalis alis dyan eh. If you read the gray list report, which binasa namin – isa dyan sa pinakamalaking black eye sa atin ay ‘yung POGO,” paliwanag ni Gatchalian.

Idinagdag pa ni Sen. Gatchalian na ang pagsasampa ng kaso ng Anti-Money Laundering Council laban kay Guo ay pagpapatunay sa paglaban ng pamahalaan kontra sa naturang katiwalian.

Aniya, “Para sa akin malaking sensyales ‘yan na sineseryoso natin ang money laundering dito sa ating bansa. At ikukulong natin at [huhulihin] natin ‘yung mga kriminal na involved dito sa money laundering. So para sa akin mas tataas ang investors’ confidence dahil ‘yung mga kriminal na dito ginagawa ‘yung money laundering nila ay nahuhuli.” (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *