IIMBESTIGAHAN ng House committee on legislative franchises ang mga isyu kaugnay sa Sonshine Media Network International (SMNI), matapos maghayag ang anchors ng isang programa ng “misleading information” laban kay House Speaker Martin Romualdez.
Sa kanyang privilege kanina, sinabi ni Quezon 2nd District Rep. David Suarez na nakapanood siya ng isang programa sa SMNI program na ayon sa mga host ay gumasta ng P1.8 bilyon si Romualdez sa loob ng isang taon para sa kanyang mga biyahe.
Itinanggi ni House Secretary-General Reginald Velasco ang nasabing ulat.
Ani Suarez, kailangan gamitin ng komite ang oversight function nito.
Inaprobahan ni Deputy Speaker Yasser Alonto Balindong ang desisyon ng mayorya na atasan ang komite na simulant ang pagsisiyasat sa SMNI sa Huwebes, 30 Nobyembre.
Ang SMNI ay pagmamay-ari ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy na wanted sa Amerika bunsod ng tambak na kaso gaya ng child sex trafficking at fraud.
Si Quiboloy ay nagsilbing spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (ZIA LUNA)