Sun. Nov 24th, 2024

KOMBINSIDO si Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, Police Regional Office (PRO)-Davao region chief, na sa 30-ektaryang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Barangay Buhangin, Davao City nagtatago si Pastor Apollo Quiboloy.

Batay ito sa mga natanggap na impormasyon ng pulisya sa hotline.

Ginagamait aniyang kalasag ni Quiboloy ang kanyang mga tagasunod upang hindi makapasok ang mga awtoridad sa KOJC compound kaya’t nahihirapan ang mga pulis na isilbi ang arrest warrant laban sa puganteng sect leader.

“Nandiyan siya, ginagamit lang niya ang mga tao para i-shield siya. Based on the information that we have, we are inclined to really believe na nandiyan siya,” sabi ni Torre.

Noon aniyang Hunyo 10, inispreyan ng tubig ng KOJC members ang mga pulis upang hindi makapsok sa compound.

Humarap si Torre sa isinagawang pagdinig ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, chairman of the Committee on Public Order and Dangerous Drugs, dahil sa umano’y “excessive force” na ginamit ng mga pulis sa operation sa compound s Barangay Buhangin at Prayer and Glory Mountains sa Barangay Tamayong, Davao City.

Nanawagan si Torre kay Quiboloy na kusang sumuko sa mga awtoridad.

“Kung talagang inosente ka (if you are really innocent), submit yourself to the rule of law. Surrender kayo sa judge. Dalhin ninyo ang napakagaling ninyong abogado,” sabi ng heneral. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *