Sun. Nov 24th, 2024

đź“·Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel

 

KAKASA si Kabataan partylist Rep. Raoul Manuel sa paanyaya ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na dumalo sa pagdinig ng Senate public order and dangerous drugs committee hinggil sa umano’y patuloy na pa-recruit ng New People’s Army (NPA) sa mga estudyante ngunit hindi siya dadalo dahil labag ito sa desisyon ng Korte Suprema.

Ayon kay Manuel, ang usapin isinusulong ni Dela Rosa ay kontra sa desisyon ng Korte Suprema na ang “red-tagging, vilification, labelling, and guilt by association” ay nagbabanta sa karapatan ng isang tao sa buhay, kalayaan, o seguridad,

Giit ni Manuel, ang mga testimonya na inihayag laban sa kanya sa pagdinig ay imbento lang.

“[H]angga’t binabangga niya ang Korte Suprema na nagsabing banta sa buhay naming mga kabataan ang redtagging; hangga’t patuloy niyang sinasayang ang posisyon sa Senado at ang rekurso ng bayan para sa redtagging; at hangga’t batay sa mga gawa-gawang testimonya na walang matibay na ebidensya ang imbitasyon sa akin, hindi ako makakadalo sa redtagging hearings niya,” ani Manuel.

Ipinaliwanag ng Makabayan solon na ang kanyang papel bilang kinatawan ng kabataan sa Kongreso ay para isulong ang adbokasiya para sa kapakanan ng mga nakababatang henerasyon, kasama ang pagtugon sa ugat ng armadong tunggalian sa bansa at mga sakit ng lipunan sa pamamagitan ng makataong paraan.

“Kaming mga kabataan ay hindi gaya ni former PNP chief dela Rosa na kumakapit sa state terror at kamay na bakal, lalo na at namuno siya sa paggamit ng dahas at pinatupad ang utos ni Rodrigo Duterte na pumatay ng mga tao kabilang ang mga kabataan sa ngalan ng pekeng giyera kontra droga,” giit ni Manuel.

Ipinaalala ni Manuel kay Dela Rosa na nakabinbin ang paanyaya ng Mababang Kapulungan sa senador na dumalo sa imbestigasyon kaugnay sa madugong drug war na ipinatupad ng administrasyong Duterte.

“We remind the former PNP chief: standing ang imbitasyon sa kanya para pumunta sa Kamara at humarap sa pamilya ng mga biktima ng pinirmahan niyang memo para sa Oplan Tokhang,” wika ng Kabataan solon. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *