Tue. Dec 3rd, 2024

📷Lumubog sa baha ang mga bahay sa Bicol sanhi ng Typhoon Kristine.|Altermidya

 

TATLONG tao ang nasawi, isa ang nawawala at anim ang sugatan sa rehiyon ng Bicol dulot ng pagbayo ng Tropical Storm Kristine.

Iniulat ito ni Police Regional Office 5 (PRO5) chief Police Brigadier General Andre Perez Dizon .

Sa situation briefing kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaninang umaga ay ini-report ng  Office of Civil Defense (OCD) na isa ang nasawi sa Palanas, Masbate nang tamaan ng tumumbang puno.

Ayon sa OCD data, pitong tao ang nawawala, kasama ang tatki sa San Fernando, Masbate na pumalaot para mangisda, tatlo sa Daanbantayan, Cebu; at isa sa Pilar, Cebu.

Sinabi ng OCD na limang tao ang sugatan kabilang apat sa Northern Samar, at isa sa Labo, Camarines Norte sa naganap na vehicular accident.

Umabot sa 382,302  indibidwal o 77,910 pamilya ang naapektuhan kay Kristine sa Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, at Zamboanga Peninsula, sabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

Sa nasabing tala, 12,334 tao o 3,095 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang  364 indibidwa o 96 pamilya ang pansamantalang tumuloy sa ibang lugar. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *