📷Lumubog sa baha dulot ng Bagyong Kristine ang mga bahay sa Libon, Albay | PNA
BUBUKSAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites para sa mga lalapag na aircraft ng mga bansang magpapadala ng ayuda sa Pilipinas na binayo ng bagyong Kristine, ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner.
Inihayag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na planong humingi ng saklolo ang Pilipinas sa mga kalapit bansa partikular sa mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para umayuda sa disaster and relief efforts bunsod ng bagyong Kristine.
Ngunit sa kasalukuyan aniya ay hindi pa nagre-request ang gobyerno sa ibang bansa dahil kanila pang mina maximized ang lahat ng resources at kaya pa naman tugunan ng ibat ibang ahensiya ang kanilang isinasagawang disaster response.
Ani Teodoro, kapag sila ay humiling sa kanilang international counterpart, kailangan ay nakalatag na kung ano ang mga gagawin at saan dadalhin ang mga tulong.
Nakikipag-ugnayan na rin uli ang Pilipinas sa Amerika para sa panibagong tulong.
Tiniyak ng ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na naka preposition na sa ngayon ang kanilang mga relief goods at naka handa ng ipamahagi sa evacuees.
Ang rehiyon ng Bicol ang lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine. (ZIA LUNA)