DAPAT pauwiin na sa Beijing si China Ambassador to the Philippines Huang Xilian dahil wala siyang silbi para pigilan ang patuloy na pag-atake ng kanilang gobyerno sa mga tropa ng Pilipinas at mga Pinoy.
“Again I urge President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. to send the current Chinese Ambassador home. He has done nothing to address the continued attacks of his government on our troops and on our people,” pahayag ni Senate President Miguel Zubiri kaugnay sa pinakabagong insidente ng pambu-bully ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga commercial vessel ng Pilipinas na maghahatid sana ng suplay sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc gayundin sa mga may dala ng supply para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Para kay Zubiri, walang puso ang Chinese maritime forces.
Naniniwala sina Sens. Joel Villanueva, Jinggoy Estrada at Grace Poe, ang pandarahas ng China sa mga Pilipino ay paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng International Law of the Sea.
“Ang mga aksyon ng China Coast Guard (CCG) ay hindi dapat nangyayari. Ito ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao, batas ng dagat at nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa soberanya ng Pilipinas.We stand united in condemning these latest aggressive actions taken by CCG. We will not be cowed by any actions to intimidate or undermine our sovereign rights,” ani Estrada.
“The Philippines may be facing a giant in the West Philippine Sea, but we must also be reminded that David had defeated Goliath. Might does not give China the right to fire water cannons at our vessels, make dangerous maneuvers or block humanitarian missions,” wika naman ni Villanueva .
“With China’s bullying rearing its ugly head anew with the water cannon firing, we must be consistently resolute in defending our territory. The intentional attack is a violation of international law,” sabi ni Poe.
Panahon na anila para makipag-usap ng masinsinan ang pamahalaan ng China sa Pilipinas ukol sa naturang isyu dahil tila wala na kasing dating ang mga inihaing diplomatic protesting bansa laban sa Beijing at pauli-ulit na ginagawa ng CCG ang pambubully sa mga tropang Pinoy.
Hinangaan ng mga senador ang pagiging matatag at matapang ng tropang Pinoy sa pagharap sa insidente ng pambu-bully ng China. (NINO ACLAN)