Sat. Aug 8th, 2026

INIREKOMENDA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng mga kasong inciting to sedition at grave threats laban kay Vice President Sara Duterte.

Kinompirma ni NBI Director Jaime Santiago ang rekomendasyon sa panayam ng Super Radyo dzBB matapos ang umano’y pagbabanta ni Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

“We have finally recommended the filing of inciting to sedition and grave threat against the Vice President,” sabi ni Santiago.

“Naisumite na po namin sa Department of Justice (DOJ) at ang magtitimbang timbang ng aming mga ebidensya ay ang DOJ, kung magsasagawa ba sila ng paunang imbestigasyon sa bagay na ito,” dagdag niya.

Komento ni Duterte, “As expected.”

Noong nakaraang taon, sinabi ni Duterte na inayos niya ang pagpatay kina Marcos Jr., First Lady Liza, at Romeuladez sakaling siya ay mapatay.

Kalaunan ay ilang beses niyang nilinaw na ang kanyang mga pahayag ay kinuha sa labas ng konteksto.

Inimpeach ng Mababang Kapulungan si Duterte noong nakaraang linggo sa mga kaso kabilang ang constitutional violations, betrayal of public trust, graft, at corruption.

Para ma-convict si Duterte, nangangailangan ng 16 na boto sa 24 senador para matanggal siya at habambuhay na hindi na makaupo sa anomang posisyon sa pamahalaan. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *