Sat. Aug 8th, 2026

📸 Cabagan Square Park FB Page | Benjamin Malenab Pimentero

 

NAIS malaman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung may korapsyon sa P1.2 bilyong halaga ng Sta. Maria-Cabagan Bridge sa  Sta. Maria, Isabela kaya gumuho noong Huwebes ng gabi, Pebrero 27.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa panayam sa programang Prangkahan Na! ng Radyo Pilipinas, pinaiimbestigahan na ang insidente ni Marcos Jr. upang mabatid kung nabalot sa katiwalian ang proyekto at kung substandard na materyales ang ginamit sa pagtayo ng tulay.

Batay sa ulat ang proyekto ay naumpisahan noong Nobyembre 2014 at natapos ng Pebrero 1, 2025.

Nabatid na dalawang buwan pa lamang mula matapos isailalim sa retrofitting ang tulay at tanging mga maliliit na sasakyan ang pinahihintulutang dumaan dito.

Ang proyektong nagkakahalagang P1.2 bilyon ay nasimulan noong November 2014 at natapos nitong February 1, 2025.

Tiniyak noi Castro na mananagot ang sinomang mabibistong nagpabaya kaya humantong sa pagguho ang tulay. (ZIA LUNA)

 

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *