Sat. Aug 8th, 2026

SINIBAK sa puwesto si Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) acting director Police Colonel Elmer Ragay.

Sa ulat ng Super Radyo dzBB ay sinabi na ang direktiba ay mula kay PNP chief Police General Rommel Marbil habang iniimbestigahan ang kidnapping sa Chinese international student sa Taguig City.

Kabilang umano sa nais tumbukin ng pagsisiyasat ay hindi ang PNP-AKG ang naka-rescue sa biktima at walang naaresto ni isang suspect, pati ang sirkumstansya ng pagligtas sa biktima ay bubusisiin din.

Ayon sa  Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO), noong Pebrero 20 ay dinukot ang isang 14-anyos na Chinese national na nag-aaral sa Taguig City at nailigtas siya noong gabi ng Pebrero 25.

Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla noong Pebrero 26 na isang sindikato na sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang nasa likod ng kidnapping.

Natagpuan ang bangkay ng driver ng biktima malapit sa Bypass Road sa Kaingain, San Rafael, Bulacan noong Pebrero 21 o isang araw makaraan ang kidnapping.

Sinabi ng DILG, nakipagsabwatan sa mga suspect ang napatay na family driver ng biktima.

Tinukoy ng mga awtoridad ang isa sa mga suspect na si Wang Dan Yu alias Bao Long, isang Chinese fugitive na wanted sa mga kasong murder, carnapping, at kidnap for ransom.(NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *