UMALMA at kinontra ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang ipinaskil sa Chinese social media na nagsasabing bahagi umano ng China ang Palawan dahil napadpad raw sa lugar ang isang Chinese explorer noong 1400s.
Nakasaad na “Zhenh He Island” ang dating pangalan umano ng Palawan, batay sa pamosong Chinese explorer Chinese explorer at seafarer na naglakbay umano sa mga dagat at karagatan ng Asya mula 1300s hanggang 1400s.
Ayon sa NHCP, wala ang mga katagang ito at record na na Chinese settlements sa mga available na dokumento noong 1521, ni Antonio Pigafetta, na naging bahagi ng ekspedisyon ng Magellan, at sa kauna-unahang circumnavigation ng mundo.
“The head of the expedition had, in fact, made a blood compact with the chief of the community that the NHCP recognized to be in the present day Sitio Tagusao, Brooke’s Point, Palawan,” paliwanag ng NHCP.
Giit ng NHCP makikita sa mga historical maps mula sa iba’t ibang European cartographers noong 1500s hanggang 1800s na kinilala na ang pagsama ng Palawan Island sa kapuluan ng Pilipinas na pinangasiwaan ng Sultanate ng Sulu at ng Spanish Captain-Generalcy ng Pilipinas.
Ipinaalala muli ng NHCP ang patakaran ng pamahalaan ng Pilipinas na hindi nito isusuko ang soberanya sa kahit anumang teritoryo ng bansa at sinabing: “Palawan is and will always be Filipino”. (ZIA LUNA)