Sat. Aug 8th, 2026

šŸ“·Kabataan Partylist North Caloocan

 

DAPAT agarang aksyonan ng lokal na pamahalaan ang lumalala at tumitinding kriminalidad sa lungsod ng Caloocan, ayon sa Kabataan Partylist North Caloocan.

Sa isang kalatas ay sinabi ng grupo na lumalala ang kriminalidad sa lungsod dahil mas pinagtutunan ng pansin ng pulis, barangay at lokal na pamahalaan ng Caloocan sa panghuhuli sa mga naghahanapbuhay na mga driver, tricycle drivers, vendors at mga mamamayang nagsusulong ng kanilang karapatan.

ā€œImbes na magbigay pokus ang kapulisan, barangay, at ang LGU sa mga nagaganap na krimen sa Caloocan, ay mas nakapokus pa sila panghuhuli sa mga naghahanapbuhay na mga tsuper, tricycle driver, mga vendors, at mamamayang nagsusulong ng kanilang batayang karapatan,ā€ anang grupo.

Inihalimbawa ng Kabataan Partylist ang hindi pa nalulutas na kaso ng pagpatay at pag-chop-chop sa katawan ni Shalani Dolina sa Brgy 176 Phase 10A, Bagong Silang at ang natagpuang bangkay sa loob ng maleta ni Shiela Mae dela Criz sa Brgy. 188 sa Tala.

ā€œDahil sa bulok na sistema ng kulturang pyudal sa ating bayan at hindi pagkilala sa ating kasarian kaya matindi ang diskriminasyon sa ating mga kabataan, kababaihan, at mga LGBTQI,ā€ anila.

ā€œIlan dito ang kawalan at mabagal na hustisya kay SHALANI DOLINA na pinag-hahati ang katawan sa isang bahay sa Barangay 176 Phase 10A Bagong Silang. Ang Grade 10 student namang si SHIELA MAE DELA CRUZ ay nakita ang bangkay ng katawan sa loob ng isang maleta sa Barangay 188 Tala. Lahat ng mga kasong pagdukot at mga nawawalang mga kabataan ay krimen at pang-aabuso sa mga kabataan, kababaihan, at LGBTQI.ā€

Kinuwestiyon ng grupo ang pagsisilbi at pagkilala ng mga opisyal gobyerno sa mga kabataan kung ang kanilang sektor ay direktang apektado ng kapabayaan ng mga ito.

ā€œKaming mga kabataan ang sinabing pag-asa ng bayan, pero paano ba kami pinagsisilbihan at kinikilala ng mga nasa katungkulan at sa ating lipunan.ā€

Nanawagan ang partido ng hustisya para sa lahat ng biktima ng mga krimen sa Caloocan kasabay ng taos-pusong pakikiraman sa mga pamilyang naulila, kaibigan, at kamag-anak. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *