Sens. Imee Marcos at Pia Cayetano
POSIBLENG bago sumapit ang halalan sa Mayo 12 ay “mabubungian” ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate ng administrasyong Marcos Jr.
Ayon sa source ng Balitang Klik, desmayado ang tinaguriang VCM o Camille Villar, Pia Cayetano at Imee Marcos, tatlong senatorial bets ng Alyansa mula sa Nacionalista Party, sa pagdakip kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang VCM ay hindi nagpunta sa Tacloban City campaign sortie ng Alyansa kamakalawa.
Inihayag ni Sen. Imee na hindi pa niya kayang tanggapin ang sinapit ni Duterte kaya’t bilang pagtutol ay hindi niya sinipot ang Tacloban City campaign rally ng Alyansa kahit balwarte ito ng pamilya Romualdez.
May sakit umano si Camille habang si Cayetano ay naipit sa Naga-Albay.
Noong Marso 13 o araw na dinakip si Duterte ay ipinaskil sa Facebook ni dating Senate President Manny Villar, ama ni Camille, ang mga larawan na magkasama sila ng dating Pangulo bilang suporta sa kanya.
“It was my hope that former President Rodrigo Duterte would have the opportunity to defend himself in our courts under the protection of our country’s rule of law. I spent years protecting Filipinos overseas when they were charged abroad. That is why it was painful to see a very good friend, a former President who dedicated himself to public service, a Filipino citizen, being taken and charged by a foreign entity,” saad ni ex-Sen. Manny sa caption ng mga larawan nila ni Duterte
Sabi naman ni Sen. Mark Villar, naging DPWH secretary noong rehimeng Duterte,sa paskil sa Facebook “Mr President, I hope that you are in good health and being treated well. I’m sad that your simple wish to be judged by the Filipino people did not reach fruition. I continue to pray that you will be given the fairness and compassion that all Filipinos deserve.”
Habang ang pahayag ng ina niyang si Sen. Cynthia, “I don’t agree. We don’t give our former president to the foreigner.”
Kahit tikom ang bibig ni Sen. Pia sa usapin, ang kapatid niyang si Sen. Alan Peter Cayetano ay kinuwestiyon ang Senator Alan Peter Cayetano ang aniya’y kawala ng “due process’ sa pagdala kay Duterte sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Kapag natuloy kumalas ang ‘VCM’, ang matitira na lamang na lady senatorial candidate ng Alyansa ay si Makati City Mayor Abby Binay. (ROSE NOVENARIO)