Sat. Aug 8th, 2026
Sen. Ronald "Bato"dela Rosa

šŸ“·: Sen. Ronald “Bato” dela Rosa

 

HINDI namimilit ang International Criminal Court (ICC) o gumagawa ng mga testimonya para sa mga testigo, at transparent ang pagkuha ng kanilang salaysay.

Buwelta ito ni ICC assistant to counsel Kristina Conti sa pahayag ni Senator Ronald ā€œBatoā€ dela Rosa na pinupuwersa ng mga imbestigador ng ICC ang mga dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) upang gumawa ng affidavits laban kay detenidong dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Iniulat ng ā€œ24 Oras Weekendā€ sa GMA na sinabi ni Conti na mahipit ang pamantayan na ipinatutupad sa pagkuwestiyon kaugnay sa imbestigasyon at naka-record ito sa camera.

Habang ang mahahalagang testigo ay kailangang personal na magbigay ng testimonya sa ICC.

Nauna rito, ipinahiwatig ni Dela Rosa na nais niyang imbestigahan ng Senado ang presensya ng mga imbestigador ng ICC sa bansa upang pilitin ang mga dating PNP officials na magbigay ng affidavits.

Si Dela Rosa, bilang dating PNP chief na nagpatupad ng madugong drug war ng administrasyong Duterte, ayon sa kanya mismo, ay pangalawang akusado sa crimes against humanity case, kasama si Duterte.

Idinulog din ni Dela Rosa sa Korte Suprema ang pag-aresto kay Duterte. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *