Fri. Aug 7th, 2026

MAARING abutin lamang ng dalawa hanggang tatlong taon ang paglilitis sa kasong crimes against humanity of murder laban kay detenidong dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay ICC counsel Joel Butuyan, isa lamang ang kaso sa kasakukuyan ang kinakaharap ni Duterte, batay sa inilabas na arrest warrant ng ICC kaya posibleng tatlong taon tatagal ang paglilitis.

Kompara aniya sa ibang akusado sa ICC na tumagal ang trial dahil tambak ang isinampang kaso laban sa kanila , ang kaso ni Duterte ay mas madaling patunayan dahil walang umiiral na giyera o armadong tunggalian nang maganap ang crimes against humanity of murder, bagkus ito’y bunsod ng pag-abuso ng estado ng kapangyarihan upang umiral ang kawalan ng pananagutan laban sa sariling mga mamamayan.

“Sa atin walang war, Walang giyera, walang armed conflict it was just a case of a government employing the powers of the state to abuse and commit impunity against its own citizens. Kaya mas mabilis ang kaso ng Pilipinas,” sabi ni Butuyan sa panayam sa Headstart sa ANC.

Ngunit puwedeng tumagal ito depende sa makakalap na ebidensya at testigo ng mga ICC prosecution.

Tinukoy ni Butuyan na ang mga asuntong posibleng madagdag ay torture, illegal detention, rape at other forms of sexual violence

Sa darating na Hulyo 1- 4 ay maisasampa na aniya ang mga dokumento na nagsasaad ng mga kaso.

Habang sa Setyembre 23 ang confirmation of charges at sa susunod na dalawang hanggang tatlong buwan ay umpisa na ang paglilitis, sabi ni Butuyan.

Panawagan ni Butuyan sa sambayanang Pilipino, “Tutukan ho natin itong pangyayari sa ICC kasi this is unprecedented. For the first time ang isang leader ng ating bansa who has committed despicable crimes is being tried and we hope trial would be concluded expeditiously so that the families who have been waiting justice, who have been waiting for reparations see the day that they would really see justice and reparations in the killings of their loved ones.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *