RESULTA ng malawak na fake news machinery sa umano’y disgusto ng publiko sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at ACT Teachers Party-list Rep.-elect Antonio Tinio.
Nanawagan ang dalawang teacher-solon sa sama-samang pagkilos upang kontrahin ang mga kasinungalingan at isiwalat ang katotohanan hinggil sa mga krimen ni Duterte laban sa sambayanang Pilipino.
“The supposed survey results showing that 58% of Filipinos disagree with Duterte’s arrest is a glaring example of how disinformation can distort public opinion. This reflects the impact of the widespread propaganda and fake news machinery that has been systematically built to whitewash Rodrigo Duterte’s crimes against humanity,” sabi ni Castro.
“Ang mga survey na ito ay hindi indikasyon na walang pananagutan si Duterte. Sa halip, nagpapakita ito ng matagalang epekto ng maling impormasyon at propaganda na naglalayong linlangin ang ating mga kababayan. Hindi natin dapat hayaan na manaig ang kasinungalingan,” dagdag ni Castro.
Batay sa survey na isinagawa ng Pulse Asia, ang mayorya ng kanilang respondents, partikular mula sa Mindanao, ay hindi sang-ayon sa pag-aresto at paglitis kay Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa survey, umabot sa 96% sa Mindanao ang nagpahayag na hindi nila gusto ang nangyari kay Duterte.
Ngunit ayon kina Castro at Tinio ang nasabing sentimyento ay hindi nag-aabsuwelto kay Duterte sa pananagutan sa libu-libong tao nasawi madugong drug war.
“It is crucial that we counter this narrative with the truth. The Duterte administration’s war on drugs claimed the lives of thousands of Filipinos—officially 6,000 according to government data, but human rights groups estimate the number to be as high as 30,000. Each one of these lives matter, and each one demands justice,” giit ni Tinio.
“Hindi natin maaaring balewalain ang mga krimen ng dating Pangulo. Ang mga biktima ng extrajudicial killings at ang kanilang mga pamilya ay nararapat lamang mabigyan ng hustisya. Dapat tayo ay magkaisa upang labanan ang disimpormasyon at ipalaganap ang katotohanan,” dagdag niya.
Binigyan diin ng mga mambabatas ang pangangailangan para sa malawakang educational campaign upang impormahan ang publiko hinggil sa tunay na epekto ng drug war ni Duterte at kanyang pananagutan batay sa nakasaad sa international law.
Nanawagan sila sa mga progresibong organisasyon, human rights advocates, at sa sambayanang Pilipino upang paigtingin ang pagsusumikap para labanan ang fake news at pagpapalakas ng mga kuwento ng mga biktima.
“As progressive lawmakers, we will continue to stand with the victims and ensure that Duterte’s crimes will not be erased from history. It is our collective responsibility to ensure that truth and justice prevail,” sabi ni Castro.
“Ang paglaban sa fake news ay hindi lamang laban sa kasalukuyan, kundi laban din sa pagtatangkang burahin ang kasaysayan. Hindi natin hahayaan na magapi ang hustisya ng kasinungalingan,” pagtatapos ni Tinio.
Tiniyak ng ACT Teachers at kanilang mga kaalyado na palalakasin ang pagbubulgar sa katotohanan at panagutin si Duterte sa mga krimen na ginawa ng kanyang administrasyon.
Muli nilang hinimok ang publiko na sumali sa mas malawak na kampanya para sa katotohanan, katarungan at pananagutan. (ROSE NOVENARIO)