Reklamo ng ilang netizen ang kapalpakan ng online appointment system ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa isang netizen, matapos mag-fill out ng form online, pinapila pa rin sila nang mahaba at pinagsulat muli ng papel na form pagdating sa mismong PSA office.
Wala rin umanong numero o maayos na sistema para sa screening kaya nagkagulo at nagtagal ang pila. Marami ang nainis at nagdesisyong umalis na lamang, dala ng pagod, init, at abalang dinanas.
Anila, nasayang lang ang oras, pagod, at pamasahe — “nagpa-deliver na lang sana kami,” ayon sa isa.
Sa kabila ng digital na sistema, tila wala pa ring pagbabago sa serbisyong ibinibigay ng ahensya.#