Sat. Apr 4th, 2026

 

HINDI na kailangang lumayo ang anti-drug operatives sa paghahanap ng mga gumagamit ng illegal na droga.

May dalawang empleyado raw ng  pamahalaan ang nahuli ng sekyu na gumagamit ng illegal drugs sa mismong opisina nila.

“May mga naiwan pa silang drug paraphernalia sa kanilang office,” kuwento ng naghihilakbot na newbie sa tropang Las Chismosas.

Dati umanong konektado sa isang state-run media network ang dalawang “shabuista” ngunit dahil sa pagsisipsip sa kanilang boss ay kinuha sila at inilagay sa isang bagitong digital channel.

Nang mapunta raw ang digital channel sa isang state-run media network ay kinuha na silang mga empleyado nito dahil sa impluwensya ng kanilang ex-boss na ngayo’y nasa bakuran na ng Palasyo at “ginugulo “ ang mga kasama sa trabaho.

CLUE:

Umaasta ang ex-boss ng dalawang “shabuista” na reyna ng isang kagawaran dahil sa kanyang backer na ang negosyo ay sugal.

“Laban o bawi pa nga ang drama ng kanyang pagbibitiw raw na akala mo ay may malaking maiaambag sa serbisyo publiko,” paismid na sabat ng isang miron.

Para magmukha siyang relevant ay nag-oorganisa pa raw ng media seminar ang ex-boss ng dalawang “shabuista” pero inetsapuwersa sa aktibidad ang mga batikang dating mamamahayag na kanyang mga kasama sa kagawaran.

Napapanood kaya ng ex-boss ng dalawang “shabuista” ang minsan ay medyo dispalinghadong video sa telebisyon?

Kaya naman pala, may iba kasing bersyon ng  ‘session’ (hindi session sa Kongreso), ang pinagkakaabalahan ng  dalawang “shabuista”.

‘Yun Na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *