Thu. Nov 21st, 2024
Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

HINDI kinompirma at hindi rin itinanggi ni JustIce Secretary Jesus Crispin Remulla ang ulat na nakapasok na sa bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) na magsisiyasat sa mga naganap na patayan sa isinulong na madugong drug war ng administrasyong Duterte.

Sa kanyang pahayag sa UNTV kahapon, sinabi ni Remulla na kailangan ang batas ng Pilipinas ang masunod sakaling payagang makapasok sa bansa ang ICC probers.

“It is not so simple to go in and out of Ph to investigate. What legal regime is being pursued? What and whose rules of procedure? That has to be our rules. To protect the basic rights of the accused, in accordance with our Constitution. Justice Secretary Jesus Crispin Remulla,” ayon kay Remulla.

Inihayag kamakailan ni dating Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang vlog na labas masok sa Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC para mag-imbestiga sa Duterte drug war killings at may basbas umano ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ipinahiwatig ni dating Presidential Adviser for Political Affairs Ronald Llamas na minsan nang nagpunta sa Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC ngunit ang kinausap ay mga abogado at mga biktima ng Duterte drug war.

Inaasahan aniya sa simula ng 2024 ay iigting na ang open warfare ng kampo nina Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte dulot ng ICC isyu.

Kapag isinalang na aniya sa preliminary investigation ang reklamong crimes against humanity sa ICC laban sa mga nagsulong ng madugong drug war ay maglalabas na ng international warrant of arrest ang tribunal laban sa mga akusado.

“Pero limited din ang mga options ng mga Duterte.‘Yung mga Dutertes, ang option nila ay limited na rin, hindi sila puwede mag-impeachment dahil hindi naman nila hawak ang Congress. Hindi sila puwede mag-kudeta o destabilization dahil sabi nga ni AFP Chief of Staff Brawner, hawak pa rin nila ang chain of command. Mahihirapan naman sila mag-people power dahil wala naman silang people sa NCR, baka sa Davao. So the options for the Dutertes are so very limited, nakasandal sila sa pader.  At kung nakasandal sa pader ang mga Duterte, they can also be very dangerous,” dagdag niya.

Ayon sa VERA Files noong Hulyo 2023, kabilang sa mga nabanggit sa mga dokumentong isinumite sa ICC na nag-iimbestiga sa Duterte drug war killings, maliban sa dating pangulo, ay sina VP Sara ,Sens. Ronald “Bato” dela Rosa at Bong Go. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *