Iginiit ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na legal ang sesyon ng Senado noong Hunyo 3 dahil nakamit nito ang kinakailangang quorum.
Paliwanag ng IBP, 12 senador ang bumuo ng balidong quorum, alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema noong 1949 sa Avelino vs. Cuenco na nagsilbing mahalagang precedent sa tuntunin ng quorum sa lehislatura.
Dagdag ng IBP, maaaring hindi isama sa bilang ng quorum ang ilang miyembro sa ilalim ng partikular na legal na kondisyon.
“Two senators are considered as beyond the reach of the Senate… They were excluded from the count of members used to determine quorum,” ayon sa IBP.
Binigyang-diin ng IBP na ang naturang sesyon ay tumalima sa umiiral na pamantayang legal na gumagabay sa mga proseso ng Senado. # (ROSE NOVENARIO)