Sun. Jun 14th, 2026

Binatikos ng August Twenty-One Movement (ATOM) si Senador Alan Peter Cayetano nitong Sabado matapos ihambing ng mambabatas ang pakikibaka ng kanyang grupo sa Senado sa laban ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. kontra sa diktadurya ni Marcos, na tinawag ng ATOM na “nakakatawa,” “nakainsulto” at “ilusyon.”

Sa pahayag na inilathala sa Facebook, sinabi ng Atom: “Take your ‘L,’ not as ‘Laban’ (Fight), but as ‘Lapastangan’ (an insult). An insult to the values that Ninoy Aquino and the Filipinos who toppled the Marcos dictatorship fought for.”

Itinatag ni Agapito “Butz” Aquino ang ATOM noong 1983 matapos ang pagpaslang kay Ninoy. Giit ng grupo, si Aquino ay lumaban sa “pasismo, korupsiyon at kawalan ng pananagutan”, na taliwas sa paninindigan ng kampo ni Cayetano. Tinawag pa nilang “delusionaries” ang senador at ang kanyang mga kaalyado.

Muli ring nanawagan ang Atom na magbitiw si Cayetano, na inaakusahan nilang humahadlang sa proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Pinamumunuan ngayon ang ATOM ng mga kabataang lider gaya nina Volt Bohol, Bien Gonzales, historyador Michael “Xiao” Chua at Eiyo Aquino, apo ni Butz.# (RRN)

By admin