Sun. Jun 14th, 2026

Hindi dapat maliitin ang kakayahan ni Sen. Alan Peter Cayetano na lumikha ng gulo para nagunyapit sa puwesto kaya nakahanda ang Gatchalian bloc sa anomang alingasngas na binabalak niya, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

“Huwag i-underestimate kasi capable ang tao na ‘yan gumawa ng maski anong gulo. He doesn’t care about the institution, he only cares about himself,” ani Lacson sa panayam sa DZBB.

Batid naman aniya ni Cayetano na hindi na siya ang Senate President dahil wala nang sumusunod sa kanya kaya ang panawagan ni Lacson, magising na siya sa katotohanan.

“Magising na sana [siya] sa katotohanan, ito ang realidad. Maski sinigaw niya sa buong mundo [na] siya ang [Senate president] walang sumusunod sa kanya,” giit ni Lacson.

Panawagan ni Lacson, dumalo na lamang si Cayetano sakaling magkaroon ng special session at humarap sa debate imbes magsalita nang magsalita sa Facebook live na hindi naman siya puwedeng sagutin. # (RRN)

By admin