Inundayan ng saksak ng 17-anyos na Grade 11 ang dalawa niyang kaklase sa Cabaluay National High School sa Zamboanga City, Miyerkules ng umaga.
Idinahilan ng suspect na madalas umano siyang binu-bully ng mga biktima.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang isa sa mga biktima habang ang isa ay nasugatan sa tagiliran. Agad silang nilapatan ng paunang lunas ng Bureau of Fire Protection at kapwa ligtas na.
Sinundo ng mga magulang ang kanilang mga anak matapos ang insidente.
Wala pang desisyon ang pamilya ng mga biktima kung magsasampa ng kaso laban sa suspect.
Sa pahayag ng DepEd–Zamboanga, tiniyak na mabilis na umaksyon ang paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at patuloy na sinusubaybayan ang sitwasyon para sa nararapat na intervention.# (RRN)